Ni Reggee Bonoan

SINO kaya ang tinutukoy na staff ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) na in-assign ni Chairman Liza Diño para i-monitor ang mga pelikulang kasali sa isinasagawang Cine Lokal Festival sa SM Cinemas?

Ang dating guaranteed one week na showing kasi ng mga kasaling pelikula ay naging two days na lang.

“Lagi kasing out of the country si Liza Diño kaya may staff siyang lookout dito, pero nagkaroon ng problema,” simulang kuwento. ‘Yung dating one-week guarantee ang showing, naging two-days na lang at kung maka-accumulate ito ng 5 thousand total sales sa lahat ng SM Cine Lokal participating theaters then it will be extended for another day.

Tsika at Intriga

Keanna Reeves na-in love kay John Prats: 'Lapit nang lapit, kiss nang kiss!'

“’Kaso ‘yung staff parang hindi namo-monitor, hayun palpak. Imbes na nagkaroon ng hope ang independent films na hindi nadi-distribute ng malalaking film outfits like Star Cinema, Viva Films and others, tila nawawalan pa rin ng pag-aasa na kumita at makabawi ang independent film producers, mawawala na rin.”

Ang nasabing staff ay inirereklamo rin maging ng mga kasamahan niya sa FDCP dahil kapag wala raw ang boss nila ay feeling siya ang assistant at lahat ay minamanduhan.

Kaya ang ending, ang FDCP chairman ngayon ang naiipit sa mga kapalpakan ng staff na balita namin ay tsinugi na niya dahil may anomalyang ginawa rin pala pagdating sa budget para sa entertainment press during presscons at iba pang events.

“Good thing tinanggal na ‘yung staff dahil ‘pag nagkataon, baka magkaroon pa ng kaso si Liza nang hindi niya alam,” sabi pa ng aming source.