Ni Chito A. Chavez

Ngayong kabi-kabila ang Christmas parties, ipinaalala ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga lokal na pamahalaan ang mahigpit na pagpapatupad ng smoking ban sa mga opisina ng gobyerno, mga paaralan, ospital at iba pang mga pampubliko at saradong lugar.

Hiniling ni DILG Officer-in-Charge (OIC) Catalino S. Cuy sa mga alkalde na tiyakin ang implementasyon ng Executive Order (EO) 26 na nag-aatas sa mga establisimiyento ng smoke-free environments sa mga pampubliko at saradong lugar.

“While Christmas parties and get-togethers have been part of our yuletide celebrations, we do not want the party-goers to suffocate or develop lung diseases from inhaling cigarette or tobacco smoke while enjoying the party or while travelling to or from the Christmas events using public transportations,” sabi ni Cuy.

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

Mayo 16, 2017 nang inilabas ni Pangulong Duterte ang EO 26 bilang pagtupad sa kanyang pangako noong nakaraang kampanyahan na magpapatupad siya ng nationwide smoking ban, tulad ng ginawa niya noong mayor siya sa Davao City.

Ang EO 26 ay mahigpit na patakaran at mga hakbangin laban sa paninigarilyo sa mga pampublikong lugar at mga sasakyan, pagtitinda o pagbili ng sigarilyo, at pagpapatalastas o pamamahagi ng promotional materials ng tobacco products.

“EO 26 must be complied with. This is not just a suggestion or recommendation. There are corresponding penalties to the violators, so we are urging all to abide with the law,” sabi pa ni Cuy.