TUWANG-TUWA si Maris Racal nang malamang pasok sa 43rd Metro Manila Film Festival (MMFF) as official entry ang movie nilang Haunted Forest, the only horror movie sa festival.

Maris Racal copy

“Natuwa po kami nina Jane (Oineza), Jameson (Blake) at Jon (Lucas), proud po kami na makabilang sa festival,” kuwento ni Maris. “At excited na po kami na sumakay sa float ng movie sa December 23. Dream come true po ito sa amin, kahit noong nagsu-shooting pa lang kami, hindi naman kami sure na mapipili ng screening committee ng MMFF.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Kaya po ngayon, masipag din kami sa pagpu-promote ng movie kahit saan kami i-assign ng Regal Entertainment, Inc. ini-enjoy po naming lahat.”

Produkto si Maris ng Pinoy Big Brother All In. Nagmula si Maris sa pamilya ng mga musician kaya likas siyang marunong kumanta at tumutugtog ng musical instruments. Kaya niyang sumulat ng songs at nakapag-record ng first single na Itanong Mo Sa Bituin na nakasama sa compilation album OPM Fresh ng Star Music.

Second movie niya ang Haunted Forest, una ang horror movie ring Bloody Crayons ng Star Cinema.

Thankful si Maris sa ABS-CBN sa pagbibigay ng projects sa kanya at wish niyang masundan pa ang una niyang episode na “Casa” sa Maalaala Mo Kaya na gumanap siya sa lead role.

Mula sa direksiyon ni Ian Lorenos, sa December 25 na mapapanood ang Haunted Forest in cinemas nationwide. Request ng buong cast na sana ay isa sila sa unang panoorin ng mga moviegoers.