Ni Chito A. Chavez at Leslie Ann G. Aquino

Tinutulan ng isang human rights group ang pagpapalawig sa martial law sa Mindanao sa pangamba na maaari itong magsilbing mitsa ng implementasyon nito sa buong bansa.

Kinuwestiyon din ng Karapatan ang pagpapalawig ni Pangulong Duterte sa martial law ng isa pang taon, bilang pagtalima sa rekomendasyon ng militar at pulisya.

Nananatiling palaisipan sa grupo kung bakit pinalawig pa ng presidente ang martial law sa Mindanao gayong idineklara na ng militar ang “victory” sa Marawi siege.

National

VP Sara, iginiit na pinaaresto ng PBBM admin si FPRRD para ma-abolish ang ‘oposisyon’

“What, then, is the basis for extending martial law for another year? This is a dangerous precedent that inches the entire country closer to a nationwide declaration of martial rule. Martial law in Mindanao has paved the way for the intensification of rights violations – both within and outside of Marawi,” sabi ni Karapatan Secretary General Cristina Palabay. “We cannot expect the institution to benefit most from another year of martial law to decide against it. If this is allowed in Congress, speculation will be enough to put the entire country under martial law, creating an environment for State security forces to continue violations without accountability.”

Tinutulan din ng isang Katolikong obispo ang extension ng martial law sa Mindanao.

Sinabi ni Cagayan de Oro Archbishop Antonio Ledesma na hindi siya sa pabor sa pagpapalawig ng martial law dahil kumbinsido siyang hindi na ito kinakailangan.

“In general, I am not in favor of it,” sabi niya sa isang interbyu. “There is no need for martial law.”

Naniniwala ang obispo ng Cagayan de Oro na ang pagpapalawig sa martial law ay makaaapekto sa kalagayang pang-ekonomiya ng Mindanao.