Ni Annie Abad

KUMPIYANSA si Hidilyn Diaz na makalulusot sa 2020 Tokyo Olympics sa pagsabak niya sa 2018 Asian Games na gaganapin sa Palembang Jakarta Indonesia sa Pebrero.

Sinabi ng 26 anyos na Pride ng Zamboanga na mas mapapadali sa kanya na makapuwesto sa nasabing kompetisyon, gayung hindi makakasali ang China dahil sa suspensyon nito bunsod ng isyu ng doping, kung saan kasama ang walong iba pang bansa kabilang ang Russia na napasama sa suspensyon.

“Mas magiging madali po ng kaunti kasi nga walang China, pero kailangan ko pa rin mag improve nang husto. kailangan po kasi ng points to qualify for the Olympics,” pahayag ng Rio Olympics silver medalist.

Carlos Yulo, Aira Villegas at Nesthy Petecio, natanggap na house and lot incentives!

Ayon kay Hidilyn, mas nakikita niyang mabigat na kalaban ngayon ang Thailand sa Asian Games, gayung ito rin ang kanyang naging kakompetensya sa nakaraang International Weightlifting federation (IWF) World Championship na ginanap sa Anaheim California, kung saan nakapaguwi siya ng bronze medal kamakailan.

Kumpiyansa man na makakasilat ng puwesto sa nasabing qualifying round (Asian games), ayaw pa rin pakasiguro ni Hidilyn gayung aniya malalakas pa rin ang kanyang mga makakalaban, kaya kailangan pa rin niya na magatraining nang husto.

“Marami pa po akong i-improve, so kailangan magfocus ako ng training para sa Asian Games kasi ito yung magiging qualifying round namin for the Olympics, so kailangan talaga tarining nang husto,” pahayag ng Business Management major na si Diaz kung saan magsisimula ang matinding trainig sa Enero 8.

Samantala,bukod sa China at Russia, anim pang mga bansa ang sinuspendi ng IWF dahil sa doping kabilang dito ang Kazakhstan, Armenia, Azerbaijan, Belarus, Moldova, Turkey, at Ukraine na hindi maaring lumaban sa kahit na anumang kompetisyon hanggang Oktubre 2018.

Ayon sa ipinalabas na pahayag ng IWF hindi nila kukunsintihin ang sinumang miyembro ng pederasyon na lumalabag sa alituntunin ng grupo, lalo na sa isyu ng doping. Nag-ugat ang nasabing isyu nang muling magsagawa ng anti-doping test ang IWF kung saan nasilip ang mga bansang may record na ng doping ng ikatlong pagkakataon.

“We have made it clear that the incidence of doping in some areas is totally unacceptable and that our members have a responsibility to ensure clean sport in their countries,” ayon kay IWF president Tamas Ajan.