Ni Light A. Nolasco
PALAYAN CITY, Nueva Ecija – Iniulat ng Department of Health (DoH) na nasa “clean bill of health” ang 78 trabahador sa dalawang poultry farm na apektado ng avian flu sa bayan ng Cabiao, kamakailan.
Sa isang presscon briefing, sinabi ni Dr. Benjamin Lopez, provincial health officer, na tapos na ang clearing operations sa dalawang poultry farm at walang sintomas ng avian flu sa mga trabahador.
“Observation is over from the farm and none of them exhibited symptoms of avian flu,” ani DoH spokesperson Dr. Lyndon Lee Suy.
Aniya, walang indikasyon ng pagkalat ng avian flu at hindi naapektuhan ang kalusugan ng mga residente sa Barangay Concepcion, kasunod ng pagkatay sa may 4f2,000 manok noong Nobyembre 21, 2017.
Ngayon ay nakakapagbiyahe na ng mga manok ang mga naturang farm, dahil sa nalalapit na Pasko.
Una rito, positibong kinumpirma ni Agriculture Emmanuel Piñol ang kontaminasyon ng avian flu, ngunit naagapan at nakontrol ang pagkalat nito.