Sunshine at Gabby
Sunshine at Gabby

Ni NITZ MIRALLES

HINDI lang si Kris Bernal sa Kapuso aktres ang nanalong best actress sa OFW Gawad Parangal 2017 dahil ka-tie niya si Sunshine Dizon na nanalo sa nasabing category para naman sa Ika-6 Na Utos sa role ni Emma.

“Maraming-maraming salamat po sa lahat ng bumubuo ng OFW GAWAD PARANGAL sa inyong pagkilala. Again, thank you to @gmanetwork, my directors Laurice Guillen, Lore Reyes, our writers Kuya Dode, Kuya RJ, to all our hardworking staff and crew and my co actors para pos a ating ito. Sa aking management @pplentertainment Kuya @perrylansigan at sa aking RM @martinchristian para sa inyo din ito.

“My two beautiful Angels @doreenandanton mahal na mahal ko kayo at kayo ang aking inspirasyon. At muli pos a lahat ng sumusuporta sa #ika6nautos isang taon na tayong no. 1 sa daytime drama maraming maraming salamat po. To God be the glory!” pasasalamat ni Sunshine.

Tsika at Intriga

Ces, na-'Stress Drilon' kay Atty. Jimmy Bondoc?

Bukod kay Sunshine, nanalo namang best actor si Gabby Concepcion sa kaparehong award giving body at kaparehong show. Hindi pa nagpo-post sa social media si Gabby, naki-share lang itong magpasalamat sa Instagram (IG) ni Sunshine. “Salamat sa inyong lahat for the love and support” ang maiksi nitong pasasalamat.

One year nang umeere ang Ika-6 Na Utos noong December 5 at ang nadinig namin, sa January 2018 na ito magtatapos. May nagsabi naman na sa February 2018 pa magwawakas ang daytime drama series dahil ayaw pa rin bitawan ng viewers.