Ni REGGEE BONOAN

DAHIL sa seryeng The Good Son (TGS) ay umingay ang pangalang SPO1 Leandro Colmenares na ginampanan ni Michael Rivero.

Maganda kasi ang karakter ni Michael sa TGS bilang makulit na pulis na masigasig sa nilulutas na kaso sa pagpatay kay Victor Buenavidez (Albert Martinez), pero sa kasamaang-palad ay hindi na niya natapos dahil pinatay na siya ng isa sa mga suspek sa krimen.

Maraming manonood ng The Good Son ang nagulat at nagtatanungan kung bakit pinatay ang karakter ni SPO1 Colmenares kung kailan pa naman malapit na niyang malutas ang kaso dahil napapagtagpi-tagpi na niya ang lahat ng mga kuwento ng mga taong involved at iba pang salaysay ng ibang saksi.

Co-host ni Ogie Diaz sa showbiz-oriented vlog, mahilig magpakain sa boys

Ito na kasi ang uso ngayon sa mga teleseryeng umeere sa ABS-CBN, special guest ang role na umaabot ng dalawa hanggang anim na buwan. At blessing in disguise rin siguro na pinatay na si SPO1 Colmenares sa TGS dahil kailangan na pala niyang mag-report sa Pusong Ligaw.

Yes, dear readers, pagkatapos maging good cop ni Michael sa The Good Son ay magiging salbahe naman siya sa Pusong Ligaw bilang kanang kamay ni Raymond Bagatsing na si Jaime na nagbabalik sa kuwento para paghigantihan ang asawang si Beauty Gonzales as Tessa/Teri.

Naniniwala na talaga kami sa destiny dahil kasalukuyang natutulog si Michael sa kanilang bahay ay bigla siyang nakatanggap ng tawag mula sa manager niya at pinagre-report siya nang oras ding iyon sa taping ng Pusong Ligaw at take note, hindi special guest ang dating para sa amin ng alok kay Michael kundi semi-regular dahil nga kanang kamay siya ng kontrabida.

Hinihintay na sa set ng PL si Michael at kahit hindi pa niya alam ang papel at kung sino ang mga kasama ay agad siyang tumalima.

Anyway, si Michael ay anak ng beteranong aktor na si Dante Rivero na lolo naman ang karakter sa Ikaw Lang Ang Iibigin na napapanood sa umaga bago mag-It’s Showtime.