softball copy

ADELAIDE -- Patuloy ang mabangis na kampanya ng Philippine Blue Girls, sa pangunguna ni pitching star Glory Lozano, para sa kambal na panalo at makausad sa semifinals ng softball event ng 10th Pacific Schools Games nitong Huwebes (Biyernes sa Manila) sa Adelaide Shores Sports Complex.

Matikas ang 16-anyos mula sa Bacolod City laban sa mga karibal nang malimitahan niya sa dalawang hits tungo sa 4-0 panalo laban sa Victoria.

Kontra sa host South Australia, na-strike out niya ang limang batters para sandigan ang Pinay batters sa 5-2 panalo.

Trending

Mag-jowa naghiwalay na, na-engage na sa iba pero MRT-7 hindi pa rin daw tapos

Bunsod nang kambal na tagumpay, nakumpleto ng Pinay ang dominasyon sa bracket matches para manguna sa Pool A.

Makakaharap nila ang mananalo sa Queensland at New South Wales sa semifinals sa Biyernes (Sabado sa Manila) ganap na 10 ng umaga.

“The girls did another outstanding job today and if they contnue to play in this form barring any injuries, they should be a force to be reckoned with for the gold,” pahayag ni Commissioner Charles Maxey ng Philippine Sports Commission (PSC).

Hindi nakasama sa team ni coach Russel Hulleza, miyembro ng RP Team na nagwagi ng silver medal sa World Little League Softball sa Delaware, si top pitcher Kaith Ezra Jalandoni na sumabak sa seniors team na nagwagi ng silver sa Japan.

Ngunit, sapat ang katatagan ni Alonzo para mapanatili ng Pinas ang malinis na karta sa 11 laro.