Ni Liezle Basa Inigo

LINGAYEN, Pangasinan --- Muling ipatatawag ng Sangguniang Panlalawigan sa Disyembre 11 ang pamunuan ng isang pribadong ospital upang ilahad ang kanyang panig sa reklamong ibinabato sa kanila.

Hindi dumalo sina Dr. Karlo Marco Ordona, Emelito V. Ritumalta at Vivencio Jose P. Villaflor III sa unang question hour ng Sanggunian noong Disyembre 4.

Ayon kay Vice Governor Ferdie Calimlim, iimbitahan ang tatlo upang sagutin ang reklamo ng isang naging pasyente ng kanilang ospital.

Probinsya

Lasing, ginulpi ng lalaking kinumpronta; patay!

Sa isang privilege speech noong isang buwan, inilahad ni 2nd District Board Member Raul P. Sison ang sinapit ni Arturo Ferrer, sentensyador sa isang sabungan, na halos maputulan ng kamay.

Dinala sa ospital sa Dagupan City si Ferrer at ginamot nina Ordona, Ritumalta at Villaflor.

Kinuwestiyon ni Sison kung bakit umabot sa P195,391.93 ang sinisingil kay Ferrer, gayong 24 oras lamang siya nanatili sa ospital.

Maaari din isabay sa question hour ang reklamo ng isa pang pasyente na ayaw palabasin sa isang ospital dahil hindi nakumpleto ang bayad.

Sinasabing namatay na ang naturang pasyente.