Ni Bella Gamotea

Kalaboso ang tatlong lalaki na pawang naaktuhang nagsusugal sa lansangan sa Makati City, nitong Huwebes ng gabi.

Nakakulong sa Makati City Police sina Reggie Fernandez y Bugayong, 31; Benigno Turiano, Jr. y Pili, 26; at Marlon Soriano y Fernandez, 22, pawang ng No. 8063 Honradez Street, Barangay Olympia ng nasabing lungsod.

Sa ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), natiyempuhan ang tatlong suspek ng nagpapatrulyang mga tauhan ng Makati City Police sa Honradez St., Bgy. Olympia, dakong 11:45 ng gabi.

National

Guevarra, sinabing kay PBBM nakasalalay kung tatanggalin siya bilang solgen

Nabulaga at hindi na nakapalag ang mga suspek nang arestuhin ng mga pulis sa aktong nagto-tong-its sa tapat ng isang bahay sa No. 8063 Honradez Street.

Nakumpiska sa mga suspek ang baraha at P127 pusta.

Sinampahan ang mga suspek ng kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling.