Ni ROBERT R. REQUINTINA

PATULOY sa pamamayagpag ang Pilipinas sa beauty pageants sa ibang bansa nang koronahang Miss Tourism International 2017 ang Pinay beauty sa pageant na ginanap sa Malaysia, Miyerkules ng gabi.

miss tourism intl copy copy

Si Jannie Loudette Alipo-on, ng Navotas City, ang ikaapat na Pilipina na nagwagi sa 23 taon nang timpalak.

Human-Interest

ALAMIN: Bakit able to read and write qualification ng mga kandidato sa Pilipinas?

Nakapagtapos ang 25-year-old model ng business management sa De La Salle-College of St Benilde.

Ang mga Pilipinang unang nagwagi sa Miss Tourism International ay sina Maria Esperanza Manzano (2000), ang namayapang si Rizzini Alexis Gomez (2012) at si Angeli Dione Gomez (2013).

Karaniwang ginaganap ang Miss Tourism International pageant tuwing New Year’s Eve. Ngunit simula ngayong taon, binago ng mga organizer ang format nito at nagdesisyon na idaos ito bago sumapit ang Pasko.

Nagwagi si Alipo-on ng scholarship na nagkakahalagang PM60,000 mula sa Limkokwing University of Creative Technology; PM10,000 cash, trophy at iba pang premyo mula sa mga sponsor ng pageant ngayong taon.

Si Miss Poland Maja Aleksandra naman ang tinanghal bilang Miss Tourism Metropolitan International; si Miss Indonesia Lois Merry Tengel bilang Miss Tourism Cosmopolitan; si Miss Australia Diana Hills bilang Miss Tourism Global; Miss Brazil Julia Do Vale Horta bilang Dreamgirl of the Year; at si Miss Thailand Kamolrut Tanon bilang Miss South East Asia.

Napanalunan naman ni Miss Malaysia Melissa Ng Sook Khuan ang special award na Miss Glowing Glojas.

Binati ni Mutya ng Pilipinas President Hemilyn Escudero-Tamayo si Jannie sa kanyang pagkakapanalo. ‘’Thank you so much Father God! Congratulations to us!’’

May temang “Promoting Tourism, Culture and Friendship,” ang beauty pageant ay international talent search platform na itinataguyod angVisit Malaysia Year 2020.

Sa kumpetisyon, sinabi ni Jannie sa pamamagitan ng Instagram na mabuting tao si Miss Brazil. “One of my favs Ms Brazil @juliahorta. You’re always such a beautiful and kind hearted-person. Thank you for always being so nice to me.

And congraaaaaats! The moment you’ve been waiting for! New sash! Miss Langkawi 2017.”

Bago sumabak sa paligsahan sa ibang bansa si Jannie, sinabi niyang very thrilled siyang maging kinatawan ng Pilipinas sa Miss Tourism International pageant.

“I still can’t believe this is really..... really happening.. from not knowing what to do in life to representing my country Philippines in an international pageant. (Goosebumps!!!) This is a big responsibility (OMG). I guess, This is another awesome chapter of my life and I will be forever grateful, especially to those people who believed in me.

Wohoo!” sabi ni Jannie.

Isa siya sa tatlong Filipino beauty queens na nagwagi ng international title ngayong taon. Ang iba pang mga nakasungkit ng korona ay sina Miss Earth 2017 Karen Ibasco at Reina Hispanoamericana Teresita Marquez. Naiuwi naman ng kanyang kapwa Mutya ng Pilipinas na si Ilene Astrid de Vera ang 4th runner-up sa Miss Asia Pacific International pageant na ginanap sa Manila kamakailan.

Hindi naging madali ang pinagdaan ni Jannie sa beauty pageants. Hindi siya sumuko hangga’t hindi natutupad ang kanyang pangarap kaya tatlong beses siyang sumali sa Mutya ng Pilipinas. Sa ikatlong pagkakataon lamang siya nakasungkit ng titulo sa prestihiyosong lokal na kompetisyon. Nakipagtunaggali rin si Jannie sa major pageants gaya ng Miss Philippines Earth at Miss World Philippines.