Ni Marivic Awitan
GINAPI ng National University ang University of Santo Tomas, 25-17, 25-19, 25-20 upang maitala ang 4-peat sa girls division ng UAAP Season 80 high school volleyball tournament nitong Lunes sa Filoil Flying V Centre.
Ginamit ng Junior Lady Bullpups ang solido nilang atake at matutulis na serves upang mawalis ang best-of-three finals series.
Pormal na sinelyuhan ni Sheena Toring ang kampeonato sa pag - deliver ng championship point sa pamamagitan ng isang service ace. “The fourth is the most difficult one,” pahayag ni Bullpups coach Babes Castillo.
Nauna rito, humabol ang UST mula sa dalawang sets na pagkakaiwan upang pataubin ang Far Eastern University-Diliman, 18-25, 22-25, 25-22, 25-22, 15-5, at angkinin ang unang boys crown.
Pumasok na No. 3 sa playoffs, nagkampeon ang Tiger Cubs makaraang walisin ang series sa pamumuno ni Jaron Requinton na tinanghal na Finals MVP.
“Napakalaking karangalan ito para sa amin. Sobrang blessing,” ani Tiger Cubs assistant coach John Abella.
Nauna nang nagwagi si Mhicaela Belen ng NU bilang formally season MVP.
Sa girls division, tinanghal namang Finals MVP ang 2-time season MVP winner na si Faith Nisperos,.
Ang iba pang mga awardees ay sina , Joyme Cagande at Alyssa Solomon bilang 1st Best Outside Hitter, at Best Setter at Rookie of the Year ayon sa pagkakasunod.
Nagwagi rin si Eya Laure ng UST bilang Best Opposite Spiker at ang mgakakamping sina Imee Hernandez (1st Best Middle Blocker) at Det Pepito (Best Libero), Angel Carmino (2nd Best Outside Hitter) at Justine Jazareno (Best Server) ng La Salle Zobel at Alexis Miner ng FEU-Diliman (2nd Best Middle Blocker),
Nakopo naman ni FEU-Diliman spiker Mark Calado MVP at Best Outside Hitter awards sa boys division habang si CJ Segui ng UST ang napiling Rookie of the Year.