Ni Gilbert Espeña

NAGHIHINTAY ang world title fight kay WBO Oriental lightweight champion Juan Martin Elorde ng Pilipinas kung tatalunin niya sa Linggo si Russian Isa Chaniev para sa IBF Inter Continental lightweight title nito at bakanteng WBO International title sa sagupaan sa Evloev Sports Palace, Nazran, Russia.

Ito ang ikalawang pagkakataon na lalaban si Elorde sa labas ng Pilipinas matapos ang unang pagkatalo sa puntos kay Mexican Angel Rodriguez noong 2010 sa Cowboys Stadium sa Arlington, Texas.

Mas beterano sa rekord si Elorde kay Chaniev ngunit kailangan niyang patulugin ang Russian dahil mahirap manalo sa puntos sa nasabing bansa.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

May rekord si Elorde na 23-1-1 na may 10 panalo sa knockouts at kasalukuyan siyang nakalistang No. 7 contender kay WBO lightweight champion Terry Flanagan ng United Kingdom.

Nakuha naman ni Chaniev ang bakanteng IBF Inter Continental lightweight title nang talunin sa 10-round unanimous decision ang beteranong si Belgian Jean Pierre Bauwens noong nakaraang Agosto sa Vilnius, Lithuania.

Nakalista si Chaniev na No. 14 contender kay IBF lightweight titlist Robert Easter Jr. at may rekord na 11-1-0 na may 5 panalo sa knockouts.