Patay ang isang 40-anyos na lalaki matapos sumalpok ang minamaneho niyang sasakyan sa steel barrier at bumangga sa isang concrete fence sa isang subdivision sa Mindanao Avenue sa Quezon City nitong linggo.

Kinilala ng mga tauhan ng Quezon City Police District Traffic Enforcement Unit ang biktima na si Doan Gutierrez, ng Dela Costa 2, Novaliches, Quezon City.

Napag-alaman na minamaneho ni Gutierrez ang kanyang Mitsubishi Sedan (PPZ-762) at binabagtas ang Mindanao Avenue Extension patungong Regalado Avenu, dakong 2:18 ng madaling araw.

Pagsapit sa Casamilan Neopolitan Subdivision sa Barangay Greater Lagro, biglang bumangga sa steel barrier ang harapang bahagi ng sasakyan ni Gutierrez at tuluyang bumangga sa concrete fence ng subdivision.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Dahil sa lakas ng pagkakasalpok, nagtamo ng matitinding sugat si Gutierrez sa kanyang ulo at katawan.

Isinugod si Gutierrez sa Commonwealth General Hospital kung saan siya idineklarang dead on arrival. - Alexandria Dennise San Juan