Ni NORA CALDERON

MAY naka-schedule nang romantic-comedy series sina Barbie Forteza at Derrick Monasterio, ang Bongga Ka, ‘Day (I Heart Cebu) na kukunan ang kabuuan sa Cebu na early 2018 ang airing.

BARBIE copy copy

Pero habang naghihintay sina Barbie at Derrick sa pagsisimula ng taping, any day now ay aalis sila papuntang Europe for the shooting of their first movie together, titled Almost A Love Story na ididirehe ni Louie Ignacio.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Sa Italy ang setting ng movie na ipu-produce ng BG Productions ni Ms. Baby Go. Sa ngayon ay inaayos na muna nila ang paghingi ng permission sa Regal Films dahil kamakailan ay pumirma na si Derrick ng exclusive contract doon.

Kapag naayos na ang paghingi nila ng permit sa Regal Films, aalis na sina Barbie at Derrick sa December 13, at more than a week sila mamamalagi roon.

Excited na sina Barbie at Derrick dahil first time nilang bibiyahe sa Europe. At siyempre, kahit daw nagtatrabaho ay hahanap din sila ng time para makapasyal. Sayang naman daw ang opportunity na ibinigay sa kanila na makapunta roon kung hindi sila makakarating sa famous na tourist spots na famous sa Italya.

Naiiba nga ito sa dalawa dahil hindi man sila doon magpa-Pasko, malamang na makakakita na sila ng snow dahil pa-winter na sa mga pupuntahan nilang lugar. Kaya naghahanda na sila ng winter outfits na dadalhin nila.