AGAW atensyon ang Cabo Negro at Speedmatic sa isinagawang 3rd leg ng Philippine Racing Commission’s (Philracom’s) Juvenile Colts/Phillies Stakes Races nitong Linggo sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite.

philramcomfoto copy

Kapwa nagtala ng dominanteng panalo ang Cabo Negro at Speedmatic sa 1,500-meter Juvenile Stakes Races na may kabuuang premyo na P4 milyon mula sa pangangasiwa ng Philracom.

Sakay si multi-titled jockey John Alvin Guce, hataw ang Cabo Negro para mahila ang winning spree ng may-aring SC Stockfarm matapos gapiin ang Goldmith ni Joseph Dyhengco at sakay si jockey Pat Dilema sa layong dalawang kabayo para sa premyong P1,200,000 sa Colts’ race.

Human-Interest

Higanting coral, naispatan; mas malaki pa raw sa blue whale?

“Ang bilin sa akin sakto lang ang pagbitaw, hayun naman po, nagawa ko naman. Paglabas puwesto lang, na-threaten na kaunti kay Goldsmith, pero pagdating ng half mile, kinuha ko na,” sambit ni Guce.

Nakopo ng Goldsmith ang P450,000 bilang runner-up, habang ang ikatlo ang ikapata na The Barrister at No Regret ay nag-uwi ng P250,000 at P100,000 para sa may-aring sina Daniel Tan at Ruben Dimacuha.

Tumanggap naman si Chito Santos, trainer ng Cabo Negrom ng P70,000 bilang breeders purse.

Pinangasiwaan nina Philracom Commissioner Victor Tantoco at Manila Jockey Club’s Racing Manager Jose Ramon Magboo ang pamamahagi ng tropeo at premyo sa mga nagwagi.

Sa Fillies’ race, walang katapat ang Speedmatic para sa premyong P1,200,000 para sa may-aring si Hermie Esguerra.

Nakabawi ang beteranong jockeyna si Dilema sa runner-up finish sa Colts’ race nang gabayan ang Speedmatic sa panalo na may layong limang kabayong agwat.

“Maganda naman ang alis, kaya tinuloy ko na. Nakiramdam ako, wala pa ang mga kalaban ko, kaya naghintay na lang ako ng rekta, doon tinodo ko na,” pahayag ni Dilema.

Nakuha ng Disyembre Sais na pagmamay-ari ni Alfredo Santos ang P450,000 runner-up prize, habang ang Luis Aguila’s Lourdes Drive at Francisco Babon Jr.’s Xia’s Best ang pangatlo ang pang-apat.

Nakuha ni Dewey N. Santos ang P70,000 bilang breeder ng Speedmatic.

Matapos ang matagumpay na uvenile Colts/Phillies Stakes Races, inihahanda ng Philracom ang mas malalaking karera tampok ang Philippine Thoroughbred Owners & Breeders Organization, Inc. (Philtobo) sa darating na weekend.