Ni: Cover Media

HUMINGI ng paumanhin si Jay-Z sa kanyang fans nang magkaroon ng technical difficulties, kaya napilitan siyang kanselahin ang kanyang gig sa Nebraska.

Jay-Z copy

Nakatakdang magtanghal ang hip-hop star sa Pinnacle Bank Arena sa Lincoln sa Disyembre 6 bilang bahagi ng 4:44 Tour, pero nagdesisyon siyang kanselahin ito dahil sa technical trouble, ulat ng Billboard.com.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“This tour is too important to me to do it halfway,” aniya sa pahayag na inilathala ng Omaha World-Herald nitong Sabado. “I have to cancel the show. I respect you guys too much to take the money and run.”

Hindi maikakabit ng kanyang production ang set up ng kanyang video screens sa building, ulat ng pahayagan.

Ayon sa Retailer Ticketmaster, agarang maibabalik ang pera ng fans na ibinayad para sa ticket.

Matatapos ang tour ni Jay-Z sa Los Angeles sa Disyembre 21.

Samantala, inilabas naman ng Hard Knock Life rapper ang tatlong bagong video niya nitong Biyernes – na nagpasaya sa kanyang fans.

Kasama sa kanyang star-studded visual para sa track na Legacy ang Hollywood stars na sina Ron Perlman, Jesse Williams, Susan Sarandon at Emile Hirsch, at isinulat at idinerihe ito ni Jeymes Samuel.

“Legacy. That’s why I called y’all here, not ‘cause of skin colour or some wistful dream of freedom. The story you leave for people who come behind you,” saad ni Perlman.

Sa video ng dalawa pang 4:44 track na Marcy Me and Smile ang napapanood ang ina ni Jay- Z na si Gloria Carter.