Ni REGGEE BONOAN

MAPAPANOOD na sa mga sinehan ang Smaller and Smaller Circles na hinango mula sa best-selling novel ni F.H. Batacan sa direksiyon ni Raya Martin produced ng TBA Studios.

Ang Smaller and Smaller Circles ay tungkol sa dalawang pari na naatasang sumama sa imbestigasyon sa pagpatay sa dalawang batang lalaki na itinapon sa bundok ng basura sa Payatas.

Nakakuha ng PG-13 ang pelikula na pinagbibidahan nina Nonie Buencamino (bilang Father Gus Saenz), Sid Lucero (Father Jerome Lucero), Bembol Roco (NBI Dir. Francis Lastimosa), Christopher de Leon (NBO Deputy Dir. Philip Mapa), TJ Trinidad (Deputy Jake Valdez), Alex Medina (Carding), Carla Humpries (Joanna Bonifacio) at Ricky Davao (Cardinal Meneses).

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Kaya raw R-13 ang Smaller and Smaller Circles kahit na tungkol pa ito sa patayan dahil subtle ang pagkakagawa, ayon mismo kay Direk Raya.

“Kung ako ang masusunod, gusto ko detalyado tulad ng nasa libro, pero parang mas mysterious ang killings kapag hindi ipinapakita lahat,” sabi ng direktor.

Sa Disyembre 6 ipapalabas na ang Smaller and Smaller Circles at dahil pawang malalaking Hollywood movies ang palabas ngayon, tinanong si Direk Raya kung ano ang bentahe nito para mas piliing panoorin.

“’Yung isa sa vision namin nu’ng sinisimulan ang pelikula, sana makagawa kami ng pelikula na mataas ang quality. Ang mahal ng pelikula ngayon and people want to reserve ‘yung ganu’n klase ng pelikula and invest it in something de kalidad. So kung baga, maganda ang pelikula sa teknikal na aspeto at sana mapanood ito sa sinehan dahil sulit ito dahil it’s long lasting na hindi basta makakalimutan paglabas ng sinehan, it stays with them,”sagot ng direktor.

Samantala, nakatsikahan namin si Sid pagkatapos ng Q and A sa presscon ng pelikula. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang gumanap sa pelikula bilang pari pero enjoy pa rin siya dahil lagi pa ring bago ang kanyang mga karakter.

“May challenge pa rin, of course. As always, parang the first film, nakakakuha ako ng confidence in the years that I’ve been working but it does not help in attacking the new project, it’s only help me get to the set with a smile.

Hindi ko minamani ang role, if looks like that, I take it as a compliment, pero hindi siya mani lang,” masayang paliwanag ng aktor.

Bukod sa pelikula ay may TV project din si Sid dahil siya naman ang trusted assistant ni Angel Aquino (Oligario) sa FPJ’s Ang Probinsyano, pero nagsasabi naman siya kay John Arcilla (Hipolito). Kaya tinanong namin kung kaninong panig ba siya sa kuwento ng serye, dahil lumalabas na naglalabas siya ng impormasyon sa dalawang opisyales ng gobyerno.

“Sa katotohanan, ha-ha-ha!” sagot ng aktor.

Samantala, masaya ang love life ni Sid at sa katunayan ay kasama niya ang kanyang current girlfriend sa presscon ng Smaller and Smaller Circles.

Naitanong namin ang ex-girflriend niyang si Alessandra de Rossi, na nabanggit ni Carla sa presscon na makakasama nito sa gagawing bagong pelikula, at nagulat ang lahat sa reaksiyon ni Sid na tumawa nang tumawa.

“It’s because the way she’s (Carla) answering the question is very candid and the moment she said ‘Alex’ I think she’s uncomfortable bringing it up, so we all laugh,” tumatawang sabi ng aktor.

Bad break-up ang nangyari kina Sid at Alessandra, pero nu’ng minsang magkita ang dalawa ay binati naman daw ng aktor ang ex-girlfriend.

“Nagkita kami sa Urian and I say ‘hello’. How can I say not?” banggit ni Sid.

Nagkasama rin daw sila sa pelikula ni Lav Diaz na Hele Sa Hiwagang Hapis pagkatapos nilang maghiwalay. Kaya ang balik-tanong namin sa aktor, okay ba uling magkatrabaho sila lalo na ngayong gumagawa ng script si Alessandra?

“Professionalism will never go away, kung kukunin niya, okay lang. I don’t... if I can be as natural as I want to be kasi siyempre there’s this question at the back of your head that you don’t wanna like things to be. I think I can.

Honestly, I really don’t care about it, I really don’t give a shit,”tumawang sagot ng binata.

Samantala, magkaibigan si Sid at si Marc Abaya na kasalukuyang boyfriend ni Alessandra at okay naman iyon sa una.

“Hindi naman namin napag-uusapan iyon ni Marc kapag nagkikita kami,”sabi pa ng aktor.