Ni: Mary Ann Santiago

Sa paggunita sa ika-150 kaarawan ni Gen. Antonio Luna, maglalabas ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ng P10 commemorative coin.

Ayon sa BSP, sa isang bahagi ng naturang barya ay itatampok ang mukha o portrait ng heneral, na nanguna sa tropa ng Pilipinas sa Philippine-American War.

Sa kabilang bahagi naman ng commemorative coin ay makikita si Luna habang nakasakay sa kabayo.

National

Atty. Kaufman, nagsalita sa umano'y 'request' hinggil sa ID requirements ng EJK victims

Makikita rin sa naturang barya ang mga katagang “dangal”, “tapang”, at “dignidad” na pawang katangian ni Luna.

Matatandaang noong 2015 ay ipinaalala sa publiko ang kabayanihan ni Luna nang maipalabas ang kanyang kasaysayan sa pelikulang “Heneral Luna”, na labis na tinangkilik ng publiko.