Ni: Annie Abad

TULUNGAN ang kabuuan ng Philippine sports ang siyang tanging layunin ng repormang inihain ng grupo nina SEAG Deputy Chef de Mission Robert sa lahat ng miyembro ng POC at NSA’s.

Ayon kay Bachmann, wala umanong kontrobersyal na napapaloob sa naturang “Manifesto” na kanilang inihai,sa nasabing General assembly kundi umano, tulungan lamang ang nasabing kumite na ayusin o tingnan kung alin sa mga batas ng kumite ang natutupad at hindi.

“Since Philippine Olympic Committee (POC) is the mother of elite sports, maybe there are problems within the POC that needs to be attest. we went to the PSC law and the by laws of the POC. we measured the performance of these sports authorities, PSC and the POC and the NSA’s as well, when it came to their own by laws, and the PSC’s laws as well and we came up with reforms and changes that are necessary,” ayon kay Bachmann.

Mommy ni EJ Obiena, todo-suporta sa anak na pole vaulter: 'We're all here'

Ibinigay na halimbawa ni Bachmann sa kanyang tinutukoy na pagbabago ang mga standing commissions ng POC na hindi na umano nag pa function sa kasalukuyan. Isa na dito ang membership commission na pinamumunuan ni Joey Romasanta kung saan aniya, ay nararapat lamang na maglagay ng NSA members din bilang bahagi ng nasabing standing commission.

“Another one is ways and means. There are no NSA’s officials in that standing commission. Standing commission is one of the reforms that we want to have. Wala naman contrversial sa manifesto, i don’t why others are putting controversy on it,” ani Bachmann.”we just want to reactivate the standing commission that’s it. These reforms that we are asking will help the POC board.”

Ayon pa kay Bachmann, iisa lamang umano ang layunin ng lahat , ito ay mapaaayos ang Philippine Sports at matulungan ang mga atleta na makapagbigay parangal sa bansa.”There’s no room for politics in Philippine Sports, pahayag pa ni Bachmann.

Nakakuha na ng pitong lagda ang nasabing petisyon sa pag amyenda ng batas ng POC, at kabilang sa nasabig pito ay sina, Tom Carrasco ng triathlon, Cynthia Carrion ng gymnastics,richard Fernandez ng shooting,Hidilyn Diaz na nagrepresenta sa weightlifting, Muay Thai at si Bachmann.

Hinihintay pa rin umano nila ang paglagda ng ilan pang NSA officials para sa naturang reporma.