PHIL-CHI Concert Poster
PHIL-CHI Concert Poster

ISA na namang milestone sa karera nina Yeng Constantino at Kim Chiu ang nakatakdang performance nila kasama ang ilang kilalang Chinese singers sa kauna-unahang Phil-Chi Star Concert na pinamagatang Nice To Meet You na gaganapin sa Enero 17, 2018 (Miyerkules), 8 PM sa Mall of Asia Arena.

Sasamahan nila ang sikat na Chinese performers na sina G.E.M., Della Wu, Chief (Chao Chuan), at Da Zhuang sa isang bonggang concert na ipoprodyus ng Philippine Dragon Media Network (PDMN).

Inaasahang dadagsa ang libu-libong Chinoy para manood sa concert na naglalayong maghatid ng pinaka-exciting na music event sa pagsisimula ng bagong taon para higit pang ipakilala ang local at Chinese music.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Nakipagsanib-puwersa ang kumpanya sa Star Music at Cornerstone Entertainment upang magdala ng local artists na aawit kasama ng mga bisitang Chinese celebrities.

Mayroong Mandarin version ang sumikat na awitin ni Yeng na Ikaw, samantalang si Kim na kamakailan lamang ay naglunsad ng ikatlong album na Touch Of Your Love mula sa Star Music, ay nakapagrekord na rin ng ilang Chinese songs tulad ng Peng Yu at Yue Liang Dai Biao Wo de Xin.

Bukod kina Kim at Yeng, kaabang-abang din ang performance ng tanyag na Loboc Children’s Choir mula sa Loboc, Bohol.

Mabibili ang tickets sa lahat ng SM Tickets counter, Lucky Chinatown Mall Ground Floor Concierge, at sa smtickets.com sa halagang P17,800 (VIP), P15,000 (patron), P8,500 (lower box), P4,200 (upper box) at P2,800 (general admission). Abangan ang ticket launch date sa Sabado (Nob. 25) at magkakaroon din ng preselling activity ngayong Martes (Nob. 21), simula 10am hanggang 10pm, na may handog na 10 percent na diskwento.

Makibahagi sa pinakainaabangang Nice To Meet You concert sa bansa. Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin ang Starmusic.ph o sundan ito sa Facebook.com/starrecordsphil, Twitter.com/starrecordsph at Instagram.com/Starmusicph.