DALLAS (AP) — Umiskor si Kyrie Irving ng season-high 47 puntos, tampok ang 10 sa overtime para makumpleto ang matikas na arangkada sa final period tungo sa 110-102 panalo kontra Mavericks nitong Lunes (Martes sa Manila).

Nahila ng Celtics ang winning run sa 16 matapos ang 0-2 simula.

Abante ang Mavericks sa 13 puntos sa fourth quarter, ngunit, nagawang makahabol ng Celtics para sa isa na namang come-from-behind win. Napantayan ng Boston ang ikaapat na longest winning streak sa kasaysayan ng Celtics.

Boston Celtics' Kyrie Irving (11) gets past Dallas Mavericks' Dennis Smith Jr. for a shot-attempt in the second half of an NBA basketball game, Monday, Nov. 20, 2017, in Dallas. (AP Photo/Tony Gutierrez)Naitabla ng Boston ang iskor sa 96 nang maisalpak ni rookie Jayson Tatum ang alley-oop lay-up mula sa assist ni Irving nang maagaw ang bola kay Dirk Nowitzki.

Olympian boxer Eumir Marcial, di nagpatalo kay Carlos Yulo, nag-crop top na rin!

Sa overtime, pumuntos si Irving ng anim na sunod at nakaabante ang Celtics sa 104-102 mula sa jumper ni Jaylen Brown may 1:39 ang nalalabi sa laro. Nabigo ang Mavs na makaganti ng puntos.

Nanguna si Harrison Barnes sa Mavs sa natipang 31 puntos, habang kumana si Wesley Matthews ng 18 puntos .

HORNETS 118, WOLVES 102

Sa Charlotte, N.C., nailista ni Dwight Howard ang 25 puntos at 20 rebounds para sandigan ang Hornets kontra sa Minnesota Timberwolves.

Naitarak ni Howard, nakuha mula sa offseason sa Atlanta, ang 8 for 10 sa field at 9 of 14 sa foul line. Giniba niya ang depensa ni Timberwolves big man Karl-Anthony Towns, na kumana ng 18 puntos at 12 rebounds.

Tinanghal si Howard, NBA’s active leader sa 20-20 games na may 49, bilang unang Hornets player na nakagawa ng kahusayan matapos ni Al Jefferson noong 2013.

Nanguna si Jamal Crawford sa Minnesota sa nakubrang 19 puntos, habang kumasa sina Jeff Teague at Andrew Wiggins ng 18 at 11 puntos, ayon sa pagkakasunod.

WIZARDS 99. BUCKS 88

Sa Milwaukee, ginapi ng Washington Wizards, sa pangunguna ni Bradley Beal na may 23 puntos, ang Milwaukee Bucks.

Kumana si Beal ang pitong sunod na puntos para mailayo ang Wizards sa third period at ang 13-4 run a fourth period ang nagbigay sa Washington ng 86-70 bentahe.

Naputol ng Wizards ang two-game losing skid, habang nakamit ng Milwaukee ang ikalawang sunod na kabiguan.

Nag-ambag si Kelly Oubre Jr. ng 18 puntos mula sa bench, habang tumipa si John Wall ng 15 puntis ay kumubra sina Otto Porter Jr. ng 12 puntos at 11 rebounds, at si Marcin Gortat na may 10 puntos at 15 rebounds.

SPURS 96, HAWKS 85

Sa San Antonio, nagsalansan si LaMarcus Aldridge ng 22 puntos at 11 rebounds sa panalo ng Spurs kontra Atlanta Hawks.

Nahila ng San Antonio ang dominasyon sa Atlanta sa 20 sunod na laro sa loob ng 20 taon.

Ratsada sina Manu Ginobili at Danny Green sa natipang tg-14 puntos para sa Spurs, nagwagi sa ikaapat na pagkakataon sa huling limang laro. Nag-ambag si Kyle Anderson ng 13 puntos, 10 assists at aniim na rebounds.

Sa iba pang mga laro, dinaig ng New Orleans Pelicans, sa pangunguna ni Anthony Davis na may 36 puntos at 15 rebounds, ang Oklahoma City Thunder, 114-107; habang ginapi ng Pacers para sa ikaapat na sunod na panalo ang Orlando Magic, 105-97; Namayani ang Philadelphia sa Utah Jazz, sa pangunguna nina Ben Simmons na may 27 puntos at Joel Embiid na tumipa ng 15 puntos at 10 rebounds; nanaig ang Cleveland Cavaliers sa Detroit Pistons, 116-88.