Untitled-1 copy copy

Hosting ng FIBA 3x3, ibinigay sa Pinas sa 2018.

MAPAPANOOD ng sambayanan ang pakikipagtagisan ng husay at galing ng Team Philippines sa pagsabak sa pinakamahuhusay na cagers sa gaganaping 5th FIBA (International Basketball Federation) 3x3 World Cup sa Hunyo 8-12 sa susunod na taon.

Pormal na ipinahayag ng FIBA sakanilang website ang pagbibigay ng karapatan sa Samahang Basketball ng Pilipinas (SBP) na maging host sa prestihiyosong torneo.

ALAMIN: Book launching ng ilang manunulat para MIBF 2024

Nataon na magaganap ang championship – kung papalarin ang Pinoiy sa pagdiriwang ng bansa sa ‘Araw ng Kalayaan.’

Kabuuang 20 koponan sa lalaki at 20 sa babae ang magsasagupa sa torneo na tatampukan ng side event na men’s dunk contest, women’s skills contest at mixed shoot-out contest.

May hanggang Nobyembre 30 ang lahat ng koponan na kumpirmahin ang kanilang lahok sa FIBA at sa SBP.

Sa kasalukuyan, ang mga bansang nasa listahan ang ay sumusunof.

Men: Brazil, Canada, Croatia, Ecuador, Estonia, Japan, Jordan, Kyrgyzstan, Latvia, Mongolia, Netherlands, New Zealand, Philippines (hosts), Poland, Romania, Russia, Serbia (reigning champions), Slovenia, Ukraine, Uruguay.

Women: Andorra, Argentina, Bahrain, China, Czech Republic, France, Germany, Hungary, Iran, Italy, Kazakhstan, Malaysia, Netherlands, Philippines (hosts), Russia (reigning champions), Spain, Switzerland, Turkmenistan, USA, Venezuela.

Inaasahang tatampukan ang kopona nina Kobe Paras, Terence Romeo at Alvin Abueva na pawing may karanasan at naging kinatawan ng bansa sa nakalipas na 3x3 tournament.

Ipinahayag ni SBP Executive Director Sonny Barrios ang kahandaan ng bansa na tumayong host sa torneo.

“Malaking bagay ito para sa atin. Yung exposure ng ating bansa at ang paglago pa ng kamalayan sa 3x3 ng mga Pinoy ay tiyak na mas tataas,” pahayag ni Barrios.

“We already coordinating with our counterparts as well as to government agency concerned para masiguro natin ang success ng torneo,” aniya.