Nagsagawa ang PENRO Sarangani ng isang ground validation hinggil sa napaulat na coastal uplift sa baybayin ng Glan, Sarangani kamakailan.
Kasunod ito ng malagim na magnitude 7.8 lindol na yumanig sa lalawigan, pati na rin sa karatig-probinsya nito.
Sa ulat ng DENR Soccsksargen nitong Linggo, Hunyo 14, itinawag daw ng mga residente sa SBPS Protected Area Management Office (PAMO) ang umano’y pananatili ng sea level sa mababang estado kasunod ng lindol.
Anila, hindi na muling bumalik sa normal na lebel ang naturang katubigan matapos ang pagyanig.
Batay naman sa imbestigasyon, napag-alamang na-expose dulot ng lindol ang ilang shoreline, coral reef, at maging seegrass beds.
Pagbabahagi ng mga residente, natatakot sila sa umano’y lasong maaaring dalhin ng insidente—kung saan ilang marine organisms ang namataan ding namatay gaya na lamang ng reef fishes, eels, clams, at shells.
Anang departamento, nagsagawa na ang SBPS PAMO ng mobilization para sa lahat ng Protected Area Rangers upang magawaan ng dokumentasyon ang ilan pang kagayang insidente nito—coastal uplift o habitat damage sa Sarangani Bay.
Bubuo rin ng composite team ang departamento, katuwang ang ilang partner Local Government Units (LGUs), upang magkasa ng siyentipikong pag-aaral kaugnay dito sa darating na Hunyo 16.