Ni: Nitz Miralles

NAGPASALAMAT si Marian Rivera dahil sa lumabas na list sa Rappler ng soap operas ng bansa na sumikat sa ibang Southeast Asian countries, tatlo ang pinagbidahan niya. Ito’y ang Dyesebel, Marimar at Amaya.

Marian copy

Nag-post si Marian sa Instagram (IG) ng, “Muchas Gracias Rappler.”

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ang iba pang kasama sa listahan ay ang Pangako Sa ‘Yo, On The Wings of Love, Be Careful With My Heart (ABS-CBN) at My Husband’s Lover (GMA-7). 

Hindi malayong mapasama rin sa listahan ang Carmela nina Marian at Alden Richards na ipapalabas sa Thailand. Bago sa Thailand, ipinalabas na ang Carmela sa Malaysia, Kenya, Vietnam, at Myanmar. Sa 2018, ipalalabas naman ito sa Ukraine Panama, Puerto Rico at Slovenia.

Anyway, hindi pa man tapos ang airing dito ng Super Ma’am, balitang ipapalabas din ito sa Cambodia. May demand ng soaps ni Marian sa Cambodia na superstar ang status ng kasikatan niya. Sa IG nga niya, ang dami niyang Cambodian followers na nagre-request na pumunta siya roon.

Action/fantasy ang Super Ma’am, magugustuhan ng Cambodian fans niya lalo na ‘pag nalamang siya mismo ang gumagawa ng karamihan sa fight scenes at hindi siya nagpapa-double hangga’t kaya.