Ni NITZ MIRALLES

MUKHANG bumabawi si Aga Muhlach sa tagal ng panahong hindi niya paggawa ng pelikula dahil dalawang movies ang nababalitang gagawin niya pagkatapos ng blockbuster na Seven Sundays.

alice copy

Una ang pelikula ng Spring Films na production outfit nina Piolo Pascual, Erickson Raymundo at Joyce Bernal. Si Alice Dixson ang makakatambal ni Aga sa pelikulang wala pang title at kukunan sa Greenland. Si Joyce rin daw ang director nina Aga at Alice.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Nabalita rin na gagawin ni Aga ang isang indie film na pagtatambalan naman nila ni Bea Alonzo at may naulinigan kaming balita na si Paul Soriano ang director at producer.

Obviously, ginanahan si Aga sa magandang review at box-office result ng comeback movie niyang Seven Sundays, kaya sunud-sunod na naman ang paggawa niya sa pelikula.

Matagal na naging busy si Aga sa mga negosyo niya.