NANATILING malinis ang marka ng National University para mapatatag ang kampanya na masungkit ang golden double sa UAAP Season 80 taekwondo tournament kahapon sa Blue Eagle Gym.

Sinundan ng back-to-back title-seeking Lady Bulldogs ang 6-1 panalo sa University of the East nitong Miyerkules sa impresibong 7-0 panalo laban sa Far Eastern University (0-3).

Target ang unang kampeonato sa men’s division, naungusan ng NU ang University of the Philippines, 6-1, at Ateneo, 7-0, para manatiling walang talo sa apat na laba. Tulad nila, malinis rina ng karta ng FEU sa men’s class matapos magwagi sa UP, 4-3.

Nakabuntot ang University of Santo Tomas matapos magwagi sa karibal na La Salle, 5-2.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Sa laban sa umaga, nabokya ng Tigresses (3-1) ang Lady Tamaraws, 7-0.

Nadomina ng UP ang UE, 6-1, para sa 2-1 kartam habang natikman ng La Salle ang ikalawang sunod na kabiguan.

Sa iba pang men’s match, naungusan ng titleholder Growling Tigers ang Ateneo, 4-3, habang umarya ang Green Jins kontra UE, 6-1.