Ni: Jun Fabon

Tuluyan nang hindi nakapagbagong buhay ang taxi driver na minsan nang nalulong sa ilegal na droga nang pasukin at pagbabarilin ng armadong lalaki sa Barangay Batasan, Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Sa report ni Police Supt. Rossel I. Cejas, hepe ng Batasan Police-Station 6, kinilala ang biktima na si Adrian Tresvalles, 39, ng No. 31 Kalayaan – C, Bgy. Batasan. Siya ay nagtamo ng dalawang tama ng bala sa ulo at katawan.

Sa imbestigasyon ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU), natutulog ang biktima at ang kanyang misis nang pasukin ng armado sa kanilang kuwarto at dalawang beses binaril si Tresvalles, pasado 1:30 ng madaling araw.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Hindi naman idinamay ng suspek ang misis ni Tresvalles.

Ayon sa awtoridad, dati nang sumuko si Adrian sa barangay dahil sa paggamit ng shabu.