Ni: Fer Taboy

Sinisisi ng isang ina ang isang paaralan na nagdulot umano ng labis na kahihiyan sa kanyang 15-anyos na anak na lalaking Grade 8 student nang pagbintangang nagnakaw ng iPad ng kaklase, na nagbunsod umano upang magpakamatay ang binatilyo sa Bago City, Negros Occidental.

Ayon sa imbestigasyon ng Bago City Police Office (BCPO), nagbigti sa bahay si Eric Hain Demafeliz, honor student sa Ramon Torres National High School, nitong Oktubre 9, matapos pagbintangang nagnakaw ng iPad ng kanyang kaklase, at dalhin ng class adviser nilang si Larina Peruelo sa himpilan ng pulisya.

Hustisya naman ang ipinaglalaban ng ina ni Eric na si Warlina Demafeliz, ng Barangay Napoles, Bago City, dahil ang labis na pagkakapahiya ng kanyang anak sa nangyari ang sinisi niya sa pagpapatiwakal ng binatilyo.

Probinsya

Bomb threat sa Zamboanga airport, natagpuan sa CR

Sinabi ng ginang na matapos pagbintangang nagnakaw ng iPad ng kaklase at dalhin sa presinto ang binatilyo ay inihayag pa umano sa flag-raising ceremony ng paaralan ang insidente.

Dagdag pa niya, hindi na rin umano pinapasok sa eskuwelahan ang binatilyo makaraang pagsabihan ng masasakit na salita.