Ni NITZ MIRALLES

NADAGDAGAN na uli ang endorsements ni Piolo Pascual dahil siya ang bagong endorser ng LivingWater kasunod nina Anne Curtis at Sarah Geronimo. Isinabay sa pagpapakilala kay Piolo as the newest endorser ang contract signing niya sa 13th anniversary ng LivingWater.

Piolo1 copy

Masaya ang three-in-one event na naging photo ops pa dahil pagkatapos ng contract signing, nagkaroon ng chance na magpakuha ng picture ang bawat table kasama si Piolo at ang may-ari ng LivingWater na mas kilala ngayong LivingWater System, Inc.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nabanggit ng may-ari ng LivingWater na napaka-crucial ng pagpili ng endorser dahil siya ang magiging mukha ng brand, pero matagal na nilang gustong kuning endorser ang aktor, hindi lang nila alam kung paano.

“Tinulungan kami ni Nap Gutierrez, siya ang naging tulay namin kay Piolo at iparating na gusto namin siyang kuning endorser. We want somebody na ini-embody ang business. We are excited with Piolo as the company’s new endorser.”

Ikinuwento naman ni Piolo na nagkaroon ng water purifying business ang pamilya nila. Apat ang branches nila na pinamamahalaan ng mga kapatid niya. Nawala ang dalawa at dalawa na lang ang natira. Pero binabalak niyang muling dagdagan at palakihin ang kanilang negosyo.

“It is a family business, dalawa na lang ang natira and now that I’m endorsing LivingWater, we will change it to LivingWater. Hopefully, magkaroon kami ng more franchise with them. I am thankful to be part of this family,” pahayag ni Piolo.

Ipinagkatiwala ni Piolo sa mga kapatid ang water purifying business nila para makapag-focus siya sa showbiz career niya. Ibinalita niyang five taping days na siya sa bagong teleserye niya sa ABS-CBN kasama si Alessandra de Rossi, pero wala pang title.

Samantala, “naiintindihan ko” ang sagot ni Piolo nang hingan ng reaction sa hindi pagdalo ni Judy Ann Santos sa premiere ng restored and remastered movie nilang Don’t Give Up On Us. Hindi nakarating si Judy Ann at ayon sa manager nitong si Noel Ferrer dahil ‘yun sa housewife duties ng aktres sa asawang si Ryan Agoncillo.