Ni: Mary Ann Santiago

Pinaalalahanan kahapon ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang publiko na hanggang Disyembre 29, 2017 na lamang sila maaaring magpapalit ng lumang serye ng salaping papel na inilunsad noong 1985.

Sa paabiso ng BSP, sinabi nito na maaari lamang magpapalit ng mga lumang pera sa mga cash department nila sa Maynila at Quezon City, gayundin sa kanilang mga regional office at iba pang sangay ng BSP.

Nilinaw naman ng BSP na walang bayad ang pagpapapalit ng mga lumang salapi.

National

Buwelta ni Rep. Adiong kay VP Sara: Bigas sa panahon ni FPRRD, ₱70/kilo at may bukbok

Paalala naman ng BSP, hanggang P100,000 lamang ang maaaring papalitan sa bawat transaksiyon.

Maaari rin namang magpapalit ng higit pa sa halagang ito ngunit sa pamamagitan lamang ng tseke o ng direct credit sa bank account ng taong nagpapapalit.

Una nang nagpasya ang BSP na palawigin pa ang deadline sa pagpapapalit ng mga lumang pera hanggang sa susunod na buwan bilang tugon sa maraming kahilingan na kanilang natatanggap.