Ni: Joseph Muego

NAG-IISANG nanalo ang mananaya mula sa Quezon City sa jackpot prize ng Lotto 6/42 nitong Martes, ayon sa Philippine Charity Sweepstakes Office.

pcso copy

Ayon kay PCSO general manager Alexander F. Balutan, masuwerteng tinamaan ng QC bettor ang numerong 33-15-30-36-09-34 na may premyong P14,904,185.00

Nabili ang winning ticket sa lotto outlet sa Boni Serrano Avenue, Bagong Lipunan, Quezon City.

Trending

Anak na commuter, sariling tatay ang na-book na rider!

May pito namang mananaya ang nakadale sa tamang limang numero na may kaakibat na tig-P25,000.00.

Ang Lotto 6/42 ay nilalaro tuwing Martes, Huwebes at Sabado.