Ni: Mary Ann Santiago

Isang bangkay ng hinihinalang salvage victim ang itinapon sa tulay sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

May tama ng bala sa kanang bahagi ng mukha at itinali sa plastic straw ang kaliwang paa ng hindi pa nakikilalang biktima, na inilarawang nasa edad 20-25, may taas na 5’3”, nakasuot ng puting t-shirt at puting basketball shorts na may nakalagay na 20, at may mga tattoo sa katawan.

Sa ulat ni SPO4 Genzor Vallejo, ng Manila Police District-Crimes Against Persons Investigation Section (MPD-CAPIS), nadiskubre ang bangkay ng biktima sa ibabaw ng Infanta Bridge sa Tondo, dakong 3:40 ng madaling araw.

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

Dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo ang lumapit umano kay Barangay Ex-O Federico Fernandez, ng Barangay 133, Zone 11, at ipinaalam ang nakabulagtang lalaki sa ibabaw ng naturang tulay.

Agad namang pinuntahan ng mga barangay officials ang lugar at nasilayan ang bangkay.

Inaalam na ang pagkakakilanlan ng biktima, gayundin ng mga suspek at motibo ng mga ito.