NI: Bella Gamotea

Tiniyak kahapon ng Department of Trade and Industry (DTI) na nananatiling stable ang presyo at supply ng karamihan sa mga produktong panghanda sa Noche Buena.

Naglabas ang DTI ng listahan ng suggested retail prices (SRPs) ng mga Noche Buena product na mabibili sa mga pamilihan o supermarket sa bansa.

Ayon sa kagawaran, ang bentahan ng keso ay mula P42.10 hanggang P588.50; all-purpose cream, P43-P69; fruit cocktail, P46.10-P214.25 (432 grams - 3.06 kilograms); ham, P137-P949 (500g - 5kg); queso de bola, P149.60-P459 (300g - 750g); macaroni, P15.25-P93.45; mayonnaise, P28-P257.25; sandwich spread, P20-P196; spaghetti noodles, P20.60-P88 (200g - 1kg); spaghetti sauce, P19.10-P83.30 (250g - 1kg); at tomato sauce, P11.90 hanggang P75.90.

National

ITCZ, easterlies, patuloy na umiiral sa PH – PAGASA

Paliwanag ng DTI, ilan sa mga produktong ito ang nagtaas ng presyo, gaya ng hamon at all-purpose cream, pero bumaba naman ang presyo ng ilang brand ng pasta kumpara noong 2016.

Ang nasabing listahan ng SRPs ng Noche Buena items ay ang presyo ng manufacturer hanggang sa katapusan ng 2017.

Nanawagan ang DTI sa mga mamimili na agad isumbong sa DTI Hotline 751-3330 o sa 0917-8343330 ang anumang makikitang iregularidad sa mga establisimiyento at produktong paninda.