Ni: Nitz Miralles

HINDI nakakapagtaka kung umabot na sa 61,042 views and likes ang post ni Kris Bernal na BTS (behind the scene) ng taping ng Impostora na nakabitin siya sa isang heavy equipment na ginagamit sa construction. Hindi namin alam ang exact name ng heavy equipment, pero parang crane truck at doon nakabitin si Kris.

Kris copy copy

“Sabi nga nila habang nakabitin ako: Ang hirap kumita ng pera. Marami-rami na rin akong nagawang buwis-buhay scenes para sa Impostora! Hihi! Pero don’t worry, alagang-alaga naman po ako ng buong produksiyon at laging sinisigurado ang kaligtasan ko.”

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Bumilib ang viewers kay Kris na nakapanood sa eksena at sila ang natakot para sa kanya, kaya may mga nagdadasal para sa kanyang kaligtasan.

Expected na ng viewers ng Impostora na marami pang buwis-buhay na eksenang gagawin si Kris dahil extended hanggang January 2018 ang hot afternoon soap.

Heto na nga, dahil patay na ang karakter ni Ryan Eigenmann bilang isa sa mga kontrabida ni Kris, pumalit kay Ryan si Marc Abaya na isa ring magaling na aktor. Tiyak na kontrabida rin ang role nito at sa husay nitong aktor, magagalit din sa kanya ang viewers.

Kasama na rin sa cast si Sheryl Cruz na hindi pa namin alam ang karakter na gagampanan. Bida, pero pwede ring kontrabida si Sheryl, hintayin natin ang kanyang pasabog.