Ni: Nora Calderon

MARAMI ang natuwa sa post ni Jodi Santamaria sa Instagram na kuha sa sama-samang pagbabakasyon sa Singapore ng kanyang mga mahal sa buhay.

Jolo, Jodi, Iwa Pampi copy

Nasa picture sila ni Jolo Revilla, ang anak niyang si Thirdy sa former husband niyang si Pampi Lacson, ang anak ni Jolo kay Grace Adriano na si Gabby, ang love child nina Iwa Moto at Pampi, si Iwa at si Pampi.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Caption ni Jodi: “Blessed. Loved. At peace. Favored. By His grace only. With God, nothing is impossible. He takes all of our broken pieces and puts them back together beautifully. #OurFamily #GodsGrace.”

Kaya may nag-comment ng, “I’m blessed with this pic. Forgiveness. Accecptance. Reconciliation. Peace. Love. God is a God of Order. Everything fall in its place. God bless Miss Jodi. @kirara­_panget Nothing is impossible to the Lord.

He can transform each of one and any circumstances. Glory To God.”

Maraming nagwi-wish na sana ay maayos na ang annulment nina Jodi at Pampi para pareho na silang makapagpakasal. Ilang taon na rin naman ang relasyon nina Jolo at Jodi na kahit naghiwalay na sila ay muling nagkabalikan.

Maayos din naman ang pagsasama nina Iwa at Pampi at may mga times din na kapag nagbabakasyon sila naisasama naman nila si Thirdy.

Masasabi ngang ang relasyon nila ngayon ay tulad din ng magandang pagsasama ng pamilya nina Ogie Alcasid at ng dati nitong wife na si Michelle van Eimereen. Kapag may mahalagang okasyon sa kanila, sama-sama silang lahat, ang dalawang anak ni Ogie kay Michelle, sina Leila at Sarah at ang anak nila ni Regine Velasquez na si Nate.