Ni NORA CALDERON

ONE year nang wala sa piling ni Jennylyn Mercado at ng anak niyang si Jazz ang kinilala niyang ina, si Mommy Lydia.

October 29 nang pumanaw last year si Mommy Lydia kaya nag-post si Jennylyn sa kanyang Instagram account ng: “I remember my first day without you... I’ve never been the same.... I miss you so much Mama Lyds... #1st year.”

Jen Jazz copy

Human-Interest

ALAMIN: Pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado, paano nagsimula?

Marami ang nag-comment na netizens na nagsabing naalaala nila kung gaano kabait si Mommy Lydia sa fans ni Jennylyn kaya sila man daw ay hindi ito malilimutan.

Kahit si Jennylyn, sinabi niyang kailangan niyang mag-move on dahil may anak siyang umaasa sa kanya, si Jazz. Wala na raw kasi siyang ibang masasandalan sa mga panahong nahihirapan siya, nagpalakas ng loob niya.

Nagpasalamat si Jennylyn na nakatulong sa kanya ang mga kaibigan na nakakaunawa sa kanyang kalagayan. Nagpasalamat siya sa boyfriend na si Dennis Trillo na laging nasa tabi niya sa mga oras na kailangan niya ng masasandalan.

Ipinagpasalamat din ni Jennylyn na pumayag ang kanyang amang si Papa Noli na bumalik na ng Pilipinas mula Korea para makasama nila ni Jazz. Kaya mas lalo niyang napagtutuunan ng panahon ang kanyang trabaho, movies and TV shows. Iyon daw ang naging therapy niya para mabilis na maka-move on.

Sa ngayon, hindi niya nakakalimutan na laging alalahanin si Mommy Lydia na nagbigay ng lakas sa kanya simula pa noong maliit pa siya hanggang sa huling sandali ng buhay nito at pumanaw dahil sa pneumonia.

May tinatapos na pelikula si Jennylyn para sa coming Metro Manila Film Festival sa December na balik-tambalan nila ni Derek Ramsay for Quantum Films. At may nakatakda rin silang teleserye ni Dennis sa GMA-7 na sisimula sa early 2018.