Ni: Bella Gamotea

Nagnegatibo ang unang tatlong persons-of-interest sa imbestigasyon ng Pasay City Police kaugnay ng pagpatay sa Grab driver at pagtangay sa sasakyan nito sa lungsod kamakailan.

Kasabay nito, inihayag ni Supt. Gene Licud, deputy chief for operation ng Pasay City Police, na may apat pang person of interest ang kasalukuyang iniimbestigahan matapos mabatid na walang kinalaman ang tatlong aircon technician sa naturang insidente.

Nakikipagtulungan sa imbestigasyon ang Grab Philippines upang maresolba ang kaso at mabigyan ng hustisya ang kanilang driver.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20