Ni: Noel Ferrer

MAY bugbugang naganap noong nakaraang linggo sa Muscle Up gym na pag-aari ninaMark Herras, Rainier Castillo, Lucky Mercado at ilan pang mga kaibigan. 

Mark copy copy

Nag-ugat ang lahat sa hindi pagkakaunawaan sa mga magkakasama sa business at bigla na lang pinaghahampas ng arnis ang isang kasamahan nagwo-workout sila sa gym nila sa Maginhawa St. sa Sikatuna Village.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nagtamo ng mga sugat at pamamaga ng mukha ang biktima at ipinapakuha na nina Rainier, Mark at iba pang mga kasama ang kuha ng CCTV sa gym para mayroon silang matibay na ebidensiya sa pananakit. 

Mukhang tinabangan na raw si Rainier sa itinayong business na kamakailan lang binuksan. Dahil sa hindi pagkakaunawaan ng ibang business partners, gusto na lang niya muna itong magsara. 

Mas nanaisin ng aktor na itigil na muna ang business kaysa lumawig pa ang di-pagkakaunawaan at tuluyan na silang magkasira ng kanyang mga kaibigan.

(For your comments, opinions and contributions, you can message me on IG and FB, or tweet me at @iamnoelferrer.)