NI: Leandro Alborote
TARLAC CITY – Posibleng makasuhan ang isang ina sa umano’y pagkunsinti sa kanyang live-in partner na gawing sex slave ang sarili niyang anak na dalagita sa Barangay Matatalaib, Tarlac City.
Sa ulat ni PO2 Marie Larmalyn Nunez kay Tarlac City Police Chief, Supt. Bayani Razalan, nahaharap sa paglabag sa Anti-Child Abuse Law (RA 7610) ang 39-anyos na babaeng vendor; at kinakasama niyang si Reynaldo Gragasin, kapwa ng Bgy. San Isidro, Tarlac City.
Napag-alaman na simula Hulyo 2014 hanggang nitong Setyembre 17, 2017 ay inaabuso umano ni Gragasin ang 14-anyos na estudyante ng Tibag Elementary School na anak ng ginang.
Bagamat hindi kaagad naisumbong ng bata ang pang-aabuso ng amain, sa pagbabanta na rin ng huli, kalaunan ay hinayaan na lamang umano ng ginang ang krimen.