GUSTUNG-GUSTO ng tatlong taong gulang na anak na babae nina Mila Kunis at Ashton Kutcher na si Wyatt na uminom ng wine tuwing Biyernes.

Ibinunyag ng Bad Moms actress sa panayam ng programang Extra sa US na ipinagdiriwang ng kanyang pamilya ang Shabbat, isang mahalagang bahagi ng Jewish calendar, tuwing Biyernes at nasanay na si Wyatt sa practice kaya inaabangan nito ang pag-inom ng wine tuwing Biyernes ng umaga.

Mila Kunis
Mila Kunis
“We do Shabbat at our house. At Shabbat, you have a sip of wine,” aniya. “My daughter had a sip of wine since she was born... Friday mornings she wakes up and I say it’s Friday, she says, ‘I can have wine!’”

Inilahad ito ni Mila, may anak ding lalaki na si Dimitri, na isinilang noong Nobyembre 2016, matapos ibahagi ng kanyang A Bad Moms Christmas co-star na si Kristen Bell na ang mga anak nitong babae na sina Lincoln, 4 anyos, at Delta, 3 anyos, ay mahilig uminom ng non-alcoholic beer na O’Doul’s kasama ang asawang si Dax Shepard.

Musika at Kanta

Wolfgang, binuburaot ng Ivory, Vicor Music?

“My kids drink O’Doul’s because my husband doesn’t drink,” dagdag ni Kristen. “When we had our first baby, we’d go on a walk every night with the baby, just to get out of the house, and he would have her in the BabyBjorn (carrier), and he would pop an O’Doul’s... She started at five months to claw at it.”

Muling nakasama nina Mila at Kristen si Kathryn Hahn para sa masayang sequel ng kanilang pelikula na Bad Moms kasunod ng tagumpay nito sa takilya noong 2016.

Nang tanungin kung alam nila na mayroong sequel, sinabi ni Mila, “After opening weekend... People aren’t dumb in this industry. They’re like, ‘This movie made money, let’s make another one.’”

Ang mga bagong kasama nila ay sina Christine Baranski, Cheryl Hines at Susan Sarandon, na gumaganap bilang kani-kaniyang ina sa pelikula, na ipapalabas sa susunod na buwan. - Cover Media