Ni: Reggee Bonoan

NAGING totoo lang siguro si Ronnie Alonte sa sarili kaya niya nabanggit na nagseselos siya kay Joshua Garcia na ka-love team ngayon ng girlfriend niyang si Loisa Andalio sa The Good Son.

LOISA AT RONNIE copy copy

Nabasa namin ang sinabi sa panayam sa kanya, “Paunti-unti, oo, may selos, pero wala naman ‘yun kung may tiwala ka naman sa tao, di ba? ‘Tsaka tiwala ako kay Loisa, trabaho lang naman ‘yun. Ako din naman, mayroong pinapares sa akin na iba, so okey lang,” sambit ng Hashtags member.

Human-Interest

Babaeng guro sa Batanes na 'buwis-buhay' na umaakyat sa flagpole, pinarangalan

Hindi naman dapat dibdibin ni Ronnie ang love team nina Joshua at Loisa, dahil naniniwala kami na loyal ang isa sa mga bida ng The Good Son sa reel/real girlfriend niyang si Julia Barretto.

Saka mas maganda nga na hindi nagkakatrabaho sina Ronnie at Loisa para mas nakakakilos o nailalabas nila ang galing nila sa pag-arte. Dahil kung magkasama sila, baka magkaroon pa ng ilangan o hiyaan lalo na kung may tampuhan sila, tiyak na madadamay ang trabaho nila.

Naniniwala rin naman kami kay Loisa na loyal siya kay Ronnie. Pero sa charm ni Joshua, baka puwede rin siyang ma-fall, ha-ha-ha, biro lang.

Anyway, sa nalaman na ni Obet (McCoy de Leon) na si Arthur (Alex Medina) ang tunay niyang ama na ipinakulong ng nanay niyang si Raquel (Mylene Dizon) dahil sinasaktan sila noong sanggol pa siya.

Mabait na anak si Obet kaya iniisip namin kung may pagbabago sa karakter niya kapag nalaman niya ang tunay na kuwento ng magulang niya.

Gustong makalabas ng bilangguan para mabawi ang mag-ina kaya nakipagsabwatan si Arthur kay Olivia (Eula Valdez) para sa ipapagawa nito kapalit ng P5M. Pero hindi kaya pinasasakay lang ni Arthur si Olivia para nakuha ang malaking pera at makalabas ng kulungan?

Kapansin-pansin na masyadong nag-aalala si Anthony (John Estrada) kay Raquel (Mylene), hmmm, hindi kaya type niya ang ex-girlfriend ng Kuya Victor (Albert Martinez) niya? Posibleng siya ang pumatay sa kapatid bukod pa sa gusto niyang makuha ang kumpanya.

Maraming kuwento ang nabubunyag sa The Good Son kaya mahirap bitawan. Ito rin ang takbo ng usapan ng ilang TV executives sa ibang TV network, palagi rin nilang inaabangan ang serye ng Dreamscape Entertainment.