Ni: PNA

NATUKLASAN ang tinatawag na suicide RNA molecules na hindi lamang kayang pigilin ang pagkalat ng cancer cells, kundi pinupuksa rin ang genes na kailangan ng cancer cells upang mabuhay, napag-alaman ng mga manananaliksik sa US Northwestern University.

Gumamit ang mga manananaliksik ng Northwestern University ng partikular na uri ng maliliit na RNA upang mapigilan ang gene activity, at napag-alaman na hindi lamang napipigilan ng maliliit na RNAs ang gene na idinisenyong puksain nila, kundi kaya ring patayin ang lahat ng cancer cells.

Napag-alaman din ng mga mananaliksik na ang mga special sequences ay maaaring matagpuan sa human genome, na matatagpuan sa multiple genes.

Kayang pigilan ng RNA suicide molecules ang mekanismong tinatawag na “death by induced survival gene elimination”, kung saan, kapag nabuhay, batay sa kanilang pinaniniwalaan, ay ay maaaring mapatay ang cancer cells na mayroon lamang maliit na epekto o halos walang epekto sa mga normal na selula.

Upang suriin ito, itinurok ng mga mananaliksik ang RNA suicide molecules sa mga dagang mayroong human ovarian cancer.

Lumabas sa resulta na nabawasan ang paglaki ng tumor nang walang masamang epekto sa ginamot na daga, at hindi rin nag-develop ng resistance sa tumor ang ganitong lunas sa cancer.

“It’s like committing suicide by stabbing yourself, shooting yourself and jumping off a building all at the same time,” lahad ng siyentista ng Northwestern University na si Marcus Peter. “You cannot survive.”

Sa pag-aaral na ito na inilathala sa eLife kahapon, at sa dalawa pang bagong pag-aaral ng Northwestern University sa Oncotarget at Cell Cycle ng grupo ni Peter, inilarawan ang pagkakatuklas sa assassin molecules na matatagpuan sa multiple human genes at ang matinding epekto ng mga ito sa cancer ng daga.

“Our research may be tapping into one of nature’s original kill switches, and we hope the impact would affect many cancers,” ani Peter. “Our findings could be disruptive.”

“Nature must have developed a fail-safe mechanism to prevent cancer or fight it the moment it forms. Otherwise, we wouldn’t still be here.”

Gumugol si Peter at kanyang grupo ng walong taon sa paghahanap ng nasabing molecules.