Ni: Leandro Alborote

VICTORIA, Tarlac - Arestado ang isang dating overseas Filipino worker (OFW) matapos mambugbog ng kagawad ng Barangay Bantog sa Victoria, Tarlac, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni SPO1 Sonny Abalos ang suspek na si Roger Beldan, 44, ng nasabing barangay, habang ang biktima ay si Selmo Valdez, kagawad sa lugar.

Nasa barangay hall umano si Valdez nang biglang mambato ang suspek sa bubungan kaya nilapitan ito ng kagawad, ngunit minura at binugbog ito ng suspek.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Nahaharap sa kasong direct assault upon an agent of person in authority si Beldan.