Ni: Ariel Fernandez

Isang babaeng Polish ang inaresto sa pagtangay ng bag ng isang janitress sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1.

Kasalukuyang iniimbestigahan ng airport police ang suspek na si Dorota Lidia Rasinka Samocko, na sinasabing kumuha sa bag ni Elsie Amplayo nitong huling bahagi ng Setyembre.

Inamin ni Samocko, dumating mula sa Guam noong Setyembre 29, ang pagkakamali at ibinalik kay Amplayo ang shoulder bag na naglalaman ng kanyang suweldo na nagkakahalaga ng P4,000.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Ayon kay MIAA assistant general manager for security and emergency Allen Capuyan, naganap ang insidente sa isang palikuran sa arrival extension ng NAIA Terminal 1, dakong 6:45 ng madaling araw.

“The janitress didn’t pursue her case against the foreigner for humanitarian reason,” ayon kay Capuyan. “She’s very kind.”

Nakalaya ang dayuhan.