Ni: Nitz Miralles

KAPAG nakikita ang poster ng Spirit of the Glass 2: The Haunted, laging hinahanap ang picture ni Janine Gutierrez.

Pero gaya sa role ni Janine sa OctoArts Films movie na showing sa November 1, sorpresa kung saan nakalagay ang picture ni Janine sa poster. Look closer na lang at mahahanap n’yo rin ang picture niya.

Janine-Gutierrez-23 copy

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Ayon kay Direk Joey Reyes, hindi inililihim ang role at karakter ni Janine, ayaw lang niyang masyadong pag-usapan para hindi agad malaman at para walang spoiler. Kaya lang sa presscon, nalaman na si Janine ang multo at may konek siya sa isa kina Cristine Reyes, Ashley Ortega at Maxine Medina.

Si Janine ay si Sabrina, nabuhay noong 60s , isang sikat na artista -- na pumasok sa showbiz kahit hindi niya gusto para sa political connection ng kanilang pamilya. Hanggang doon lang ang isi-share namin para may sorpresa pa rin.

May celebrity screening sa October 29 at premiere night sa Oct. 30, ang Spirit of the Glass na parehong gagawin sa SM Megamall. May sopresa ang OctoArts Films sa dalawang premiere night at para malaman, pumunta kayo.