Untitled-1 copy

Nina CHITO A. CHAVEZ at ROMMEL P. TABBAD

Pinawalang-sala kahapon ng Quezon City court ang isang military officer na umano’y sangkot sa paglaho ng aktibistang si Jonas Burgos sa kasong arbitrary detention.

Sa desisyong hawak ni Judge Alfonso Ruiz II, ng Quezon City Regional Trial Court Branch 216, nakasaad na bigo ang prosekusyon na mapatunayang tinangay at ikinulong ni Army Major Harry Baliaga, Jr. si Burgos.

BALITAnaw

BALITAnaw: Paano nga ba nagsimula ang 'World Smile Day?'

Nakasaad din sa nasabing desisyon na ang testimonya ng saksi na nagdidiin kay Baliaga ay base lamang sa sabi-sabi dahil ito ay mula sa impormasyon ng ibang tao.

Matatandaang noong Abril 28, 2007, dinukot si Burgos ng anim na armadong lalaki at isang babae sa isang restaurant sa loob ng isang shopping mall sa Quezon City.

Ginamit umano sa pagdukot ang isang sasakyan na may plakang TAB-194 na natagpuang nasa kustodiya ng 56th Infantry Battalion ng PA.