Ni: Mary Ann Santiago

Plano ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpatuloy ang voter’s registration sa susunod na buwan, ngayong opisyal nang ipinagpaliban ang Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.

Ayon kay Comelec Chairman Andres Bautista, ito ay upang mabigyan ng pagkakataon ang mga kuwalipikadong botante na makaboto sa eleksiyon sa susunod na taon.

Una rito, Abril 29 ngayong taon nang itinigil ng Comelec ang voter’s registration upang bigyang-daan ang preparasyon sa Barangay at SK polls na idaraos sana sa Oktubre 23.

Lacson, tila nagpatutsada sa ilang nag-file ng COC: 'The following are not disqualified...'

Matatandaang Oktubre 1 nang nilagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act 10952 na nagpapaliban sa eleksiyon sa Mayo 14, 2018.