SUPORTADO nina Charlene Gonzales at Marian Rivera ang pelikula ng kani-kanyang dyowa na Seven Sundays na showing na sa October 11.

Ipinost ni Marian sa social media account niya ang video nina Aga, Dingdong at Enrique Gil na nagsasayaw at ginamit na pang-promo sa Star Cinema movie.

Charlene Gonzales
Charlene Gonzales
Maganda ang pagkakagawa ng video at parang totoong dance video ng tatlong aktor na gumaganap na magkakapatid sa pelikula sa direction ni Cathy Garcia-Molina. Ini-repost ni Charlene ang video at nagpasalamat kay Marian.

May post si Marian na, “See you soon, ate!” na ang basa ng fans ng dalawa, isasama sila nina Aga at Dingdong sa premiere night ng movie, kaya sila magkikita.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Samantala, nag-taping si Dingdong sa Magandang Buhay kasama ang inang si Mrs. Angeline Dantes para i-promote ang movie. Lagi namang pinapayagan si Dingdong ng GMA-7 na mag-guest sa shows ng ABS-CBN ‘pag may pelikula siya sa Star Cinema.

Siyanga pala, kinilig ang DongYan fans nina Dingdong at Marian nang bumisita si Dingdong sa taping ng Super Ma’am na pinagbibidahan ni Marian. May pictures ang mag-asawa sa pagbisitang ‘yun ni Dingdong at ang caption ni Marian, “Ay sus kinilig si Super Maam at dinalaw sya ni Robinhood (si Dingdong naman ang bida ng Alyas Robin Hood).” --Nitz Miralles